Ang Pagtangkilik sa US NCAA March Madness

Talaan ng Nilalaman

Tuwing panahon ng spring sa Amerika, nagaganap ang NCAA Division 1 Men’s Baskeball Tournament na mas kilala ding March Madness. Ang nakakaexcite na liga na ito ay nagpapakita ng galing at husay sa basketball ng mga atletang kolehiyo sa Amerika. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng Lucky Cola para sa higit pang impormasyon.

Ang US NCAA March Madness ay ginaganap kada taon at ito ay binubuo ng 68 teams mula sa iba’t-ibang unibersidad at kolehiyo sa buong bansa ng Amerika. Ang NCAA March Madness ay nagsisimula sa pagitan ng mga teams sa wild card at umabot sa score ng 64 teams. Ang laro ay nagaganap sa iba’t-ibang lugar sa Amerika at nagdadala ng kasikatan at sigla sa loob ng campus. Ang mga kolehiyong manlalaro ay nagpapakita ng kanilang galing at talion sa basketball. Sa dulo, ang mananalo ay kikilalanin bilang kampeon ng NCAA March Madness.

Maikling Kasaysayan ng US NCAA March Madness

Itinatag ito noong 1939 bilang isang daan upang ipakilala ang mga magagaling na koponan sa US Collegiate basketball. Simula noon, ito na ang naging pundasyon ng kultura sa sports ng Amerika. Sa simula, ang mga teams ay sumasali lamang sa pamamagitan ng imbitasyon at sa paglipas ng panahon, nadagdagan na ang mga bilang ng mga teams at naging mas exciting ang mga laro. Ang pagkapanalo ng NCAA Men’s Basketball Championship ay mabibigyan ang paaralan ng karangalan at pagkilala. Ang NCAA March Madness ay isang paraan upang mas gumaling ang mga manlalaro ng Amerika sa basketball bago sila tumungo sa professional basketball.

Noong 1939, Ang Oregon Ducks ay mayroong 29-5 sa buong season at tinalo ang Ohio State 46-33 upang makuha ang unang titulo sa NCAA March Madness tournament. Noong 1939, may walong teams lang ang sumali. Noong 1951, nadoble ang bilang ng mga teams at patuloy itong lumaki sa mga sumunod na taon hanggang sa 1985, nang magsimula ang bagong format na may 64 teams. Noong 2001, matapos sumali ang Mountain West Conference sa Division I at makatanggap ng pwesto, na nagdadagdag sa kabuuang bilang ng mga koponan sa 65. Noong 2011, nadagdagan pa ng tatlong koponan, kasama ang tatlong laro pa para makumpleto.

Ang Format ng US NCAA March Madness

Mayroong 68 teams ang maglalaban laban para sa titulo at nahahati sila sa apat na rehiyon, ang Midwest, East, West at South. Ang unang apat na teams na tinatawag na “first four” ay naglalaban para sa huling apat na pwesto sa score ng 64. Ang 64 na teams ay nahahati sa parehong apat na rehiyon at maglalaro sa knockout format. Ang bawat panalo ay maghahatid sa mga teams para sa susunod na yugto. Ang tournament at magpapatuloy hanggang sa makaabot sa Final Four at dito ay nalalapit na malaman kung sino ang magkakampeon. Ang ganitong format ay nagbibigay excitement sa mga fans at nagbibigay din sa mga mahihinang teams na mapakita na kaya din nilang Manalo.

Ang 68 teams at maglalaban sa single-elimination format. Ang mga automatic bid ay manggagaling sa mga kampeon sa bawat conference at ang selection committee ay pipili para sa mga natitirang pwest sa pamamagitan ng “at-large bids”. Ang bawat teams ay bibigyan ng seed at ilalagay sa apat na rehiyon at ang bawat isa ay may sariling bracket. Kapag naayos na ang bracket, magsisimula na ang labanan. Mula sa mga buzzer beaters hanggang sa mga Cinderella stories. Ang mga underdogs ay mabibigyan ng pagkakataon na mapakita ang kanilang galing sa basketball at maaaring matalo ang mga powerhouse teams.

Ang Final Four

Ang Final Four ng US NCAA March Madness ay isa sa pinakaaabangang yugto ng US NCAA March Madness. Ito ay ang apat na pinakamahusay na team o unibersidad sa buong bansa na nagpapakita ng kanilang galing sa basketball sa harap ng milyun-milyong fans. Ang laban ay nagiging mas matindi at exciting dahil malapit na makilala ang magiging kampeon. Ang bawat taon ng Final Four ay nagbibigay daan sa mga exciting na laban na ikinatutuwa ng mga basketball fans, maging ang mga manonood na hindi naman kabilang sa unibersidad na naglalaro.

Ang Final Four din ang magsisilbing training ground ng mga batang manlalaro upang mapahusay pa ang kanilang paglalaro ng basketball at mapakita ang kanilang talion at galing lalo na kung binabalak nilang tumuloy sa professional basketball kagaya ng National Basketball Association o NBA. Ang mga labang dito ay ginaganap sa pinakamalaking entablado ng collegiate basketball, kung saan nakatutok ang mga mata ng buong mundo upang saksihan ang bagong kampeon.

Konklusyon

Ang US NCAA March Madness ay isang paghahanda para sa mga batang manlalaro para sa kanilang career sa basketball. Lalabas dito ang kanilang husay at galing at ang pagkakataon na mapanood ng buong mundo kabilang na ang mga basketball scouts ng mga sikat na teams sa NBA at sa labas ng Amerika. Ito ang kanilang pagkakataon upang makakuha ng Magandang spot sa professional basketball league. Ito din ang kanilang pagkakataon para mapakilala ang kanilang nilalaruan o pinapasukan na unibersidad sa mga taong nanonood. Ang mga exciting na laro dito ay pinapanood din ng mga sikat na basketball players lalo na kung ang naglalaro ay ang team na kanilang pinanggalingan.

Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Rich9JB Casino, BetSo88 at Lodi Lotto. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.

Mga Madalas Itanong

Ang tournament ay ginaganap tuwing buwan ng Marso at Abril bawat taon, kung saan nagtatagal ng ilang linggo mula sa unang laro hanggang sa championship game.

Ang mga laro ng NCAA March Madness ay ginaganap sa iba’t ibang lugar sa buong Amerika, kabilang ang mga malalaking arena at mga unibersidad na host ang ilang bahagi ng torneo.

You cannot copy content of this page