Talaan ng Nilalaman
Ang Chinese Basketball Association o mas kilala sa tawag na CBA ay ang propesyonal na liga ng China na itinatag noong 1995. Mayroon din silang basketball para sa mga babae at ito ang WCBA. Maraming kilalang basketball players sa buong mundo na nanggaling sa CBA katulad nila Wang Zhizhi, Mengke Bateer, Yao Ming, Yi Jianlian, Sun Yue, at Zhou Qi. Ang ilang mga tao ay nalilito noon sa CBA at NBL ngunit magkaiba ang dalawang liga na ito. Limitado lamang ang pinapayagan ng CBA na magkaroon ng import sa liga sa bawat teams. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng Lucky Cola para sa higit pang impormasyon.
Ang Pinagmulan ng Chinese Basketball Association (CBA)
Ang CBA ay nagsimula noong July 1996 at ito ay nakapailalim din sa FIBA katulad ng mga ibang liga sa Asya gaya ng PBA at B.League. Ang basketball sa China ay inayos dahil sa mga pangunahing liga dito kagaya ng National Basketball League, Chinese University Basketball Association at Chinese High School Basketball League. Noong unang panahon, itong apat na liga na ito ay tinawag na Chinese New Basketball Alliance ngunit ito ay tumagal lamang ng isang season.
Si Mihail Savinkov ng Uzbekistan ang unang naging import sa CBA noong 1995-1996 season at naglaro para sa Zhejiang Squirrels. Sa sumunod na taon naman nagkaroon ang CBA ng unang amerikanong import na si James Hodges na naglaro para sa Liaoning Hunters, si James Hodges din ang tumulong sa iba pang Amerikano na makapaglaro sa CBA. Simula ng maitatag ang CBA ay wala itong masyadong naging pagbabago hindi katulad ng ibang liga sa Asya kagaya ng B.League na marami ang naging reporma sa mga unang taon nito. Ang tanging naging pagbabago lamang sa CBA ay ang mga kasaling teams, mayroong umaalis, mayroon ding nadadagdag at mayroon ding nanatili hanggang ngayon simula noong maitatag ito.
Mga NBA Players sa CBA
Sa paglipas ng mga taon parami ng parami ang mga former NBA players ang tumutungo ng CBA upang dito ipagpatuloy ang kanilang basketball career. Patuloy kasi na dumadami ang mga manlalaro sa NBA pero hindi naman nadadagdagan ng mga teams kaya naman ang ibang NBA players ay nawawalan ng kontrata at ang CBA ang kanilang unang option kapag nangyari ito. Noong unang panahon pa ay marami ng NBA players ang tumungo sa CBA gaya nila Ike Austin, Scott Burrell, Lamond Murray, Mark Strickland, at Roy Tarpley.
Ang mga import sa CBA ay nakatira sa mga magagandang apartment o hotel at may binibigay ng libreng transportasyon. Sa makabagong panahon naman, noong 2010 ay pumirma ng isang milyong dolyar sila Steve Francis at Stephon Marbury para maglaro sa CBA. Noong 2012, pumirma din sila Gilbert Arenas at Tracy McGrady sa CBA. Bawat teams ng CBA ay may dalawa hanggang tatlong junior squads, para sa mga edad 13 hanggang 18, na naglilingkod bilang isang sistema ng pagpapakain at dito ay tumutulong din sila Arenas at McGrady para maturuan ang mga batang manlalaro ng China.
Mga Chinese Players na na-draft sa NBA
Dahil sa husay at galing ng mga Chinese sa basketball at sa kanilang tangkad ay marami na ding mga Chinese players ang nakapaglaro sa NBA. Si Mengke Bateer ay undrafted sa NBA pero siya ang kauna-unahang CBA player na nakapaglaro sa NBA. Siya ay naging player ng Denver Nuggets noong 2002 bago tumungo ng San Antonio Spurs sa 2002-2003 season at nagtapos ang kanyang NBA career sa Toronto Raptors noong 2003-2004 season at bumalik ng CBA. Si Sun Yue ang kauna-unahang CBA player na nagkampeon sa NBA at siya ay kinuha ng Los Angeles Lakers bilang 40th overall pick ng 2nd round noong 2007. Naging maganda ang stint ni Yue sa Lakers dahil dalawang beses itong nakarating sa NBA Finals at naging kampeon noong 2008-2009 season.
Si Wang Zhizhi naman ang kauna-unahang CBA player na na-draft sa NBA, kinuha siya ng Dallas Mavericks sa Round 2 bilang 36th pick. Isang season ang tinagal nito sa Mavericks at napunta ng Lakers ng isang season din 2002-2003 at natapos ang NBA career sa Miami Heat 2003-2005. Si Yi Jianlian naman ang pinakamataas na na-draft sa NBA, siya ay 6th overall pick sa 1st round ng Milwaukee Bucks, siya ay tumagal lamang ng isang season sa Bucks at naging player din siya ng New Jersey Nets, Washington Wizards at Dallas Mavericks. Si Zhou Qi ang pinaka-latest na na-draft sa NBA na galing sa CBA. Siya ay na-draft noong 2016 bilang 46th overall pick sa 2nd round ng Houston Rockets.
Ang pinakasikat at pinakakilalang NBA player na nanggaling sa CBA ay si Yao Ming. Siya ang top overall pick ng 2002 na pinili ng Houston Rocket at naglaro siya dito simula 2002 hanggang 2011. Si Yao Ming ngayon ang presidente ng CBA at binili ang kanyang former team sa CBA na Shanghai Sharks.
Konklusyon
Napamahal ang mga Chinese sa basketball kaya ganon din ang pagmamahal ng ibang mga manlalaro sa iba’t-ibang bansa partikular ang mga manlalaro sa NBA kaya naman ang CBA ay ang pinakapopular na liga sa Asya na nakaka-akit ng mga pinakamahusay na talent pagdating sa basketball.
Nagtatampok ang CBA ng mga maiinit at kompetitibong laban dahil na din sa mga hot-shooting ng mga ito at tangkad, kaya naman talagang mapapalaban kahit na sino, kahit mga NBA players ay mapapalaban dito. Kilala din ang CBA sa mabilis na tempo ng laro na nagustuhan ng mga manood dahil nandito ang excitement ng basketball. Isang dahilan din ang CBA kaya naman madaming former CBA players ang na-draft sa NBA, kayang kaya makipagsabayan ng mga Chinese players sa labanan sa international stage kaya napapansin ang mga ito ng mga scouts sa NBA.
Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng Winfordbet, 747LIVE, 7BET at JB Casino. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na tiyak ay magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website upang makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Isa sa mga pangunahing pagkakaiba ng CBA mula sa ibang mga liga ng basketball ay ang kanyang kombinasyon ng mga lokal na manlalaro at mga dayuhang manlalaro. Ang liga ay nagtatangi ng mga limitadong puwesto para sa mga dayuhang manlalaro, na nagreresulta sa mas mataas na antas ng kumpetisyon para sa mga lokal na manlalaro.
Ang CBA ay may mataas na antas ng popularidad sa China, partikular na sa mga lugar na may mga koponan sa liga. Ang mga laro ng CBA ay madalas na pinanonood ng milyun-milyong manonood sa China, at ang mga manlalaro ng CBA ay sikat na mga personalidad sa kanilang bansa.