Talaan ng Nilalaman
Ang 2024–25 NBA season ay ang pang-79 na season ng National Basketball Association. Nagsimula ang regular season noong October 23, 2024 at magtatapos sa April 13, 2025. Plano ng NBA na gumawa ulit ng in-season tournament para sa ikalawang sunod na taon na tatawaging Emirates NBA Cup. Ang 2025 NBA All-Star Game ay gagawin sa February 16, 2025 sa Chase Center sa San Francisco. Ang play-in tournament ay naka-schedule mula April 15 hanggang 18, 2025 kasunod ang playoffs kinabukasan at magtatapos sa NBA Finals sa June. Ang mga laro ng regular season ay pinakita na noong August 15 at ang mga laro sa group play ay kasama bilang bahagi ng in-season tournament. Ang dalawang laro na nakadepende sa resulta ng in-season tournament pati na ang schedule ng knockout round ay sasabihin sa ibang araw.
Ang Spurs ay maglalaro ng dalawang alternatibong laro sa Moody Center sa University of Texas sa Austin, Texas sa February. Ang Los Angeles Clippers naman ay lumipat na sa bagong Intuit Dome sa Inglewood, California. Ang koponan ay naglaro sa Crypto.com Arena sa Downtown Los Angeles, California sa loob ng nakalipas na 25 taon mula noong 1999–2000 NBA season. Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1998–99 NBA season, ang bawat koponan ay magkakaroon ng kanilang sariling home venue. Patuloy na magbasa sa artikulo na ito ng Lucky Cola para sa higit pang impormasyon.
NBA Cup
Ang NBA Cup na kilala ngayon bilang Emirates NBA Cup para sa mga layuning pang-sponsor ay isang taunang torneo ng National Basketball Association na nagaganap sa regular season. Ang torneo ay opisyal na inanunsyo noong Hulyo 8, 2023 at nagsimula sa 2023–24 NBA season. Ang unang edition ng event ay tinawag na In-Season Tournament. Ang format ay isang multi-stage na torneo na nagsisimula sa group play na susundan ng single-elimination knockout rounds. Ang group play ay binubuo ng tatlong grupo na may limang koponan bawat conference para sa kabuuang anim na grupo. Ang bawat koponan ay maglalaro ng apat na group stage games na bibilangin pareho sa NBA Cup group standings at sa regular season standings. Ang mga nanalo sa bawat grupo, kasama ang isang wild card team mula sa bawat conference ay papasok sa knockout rounds. Ang huling dalawang rounds ng knockout stage ay lalaruin sa neutral na lugar.
Ang mananalong koponan ay makakatanggap ng tropeo na tinatawag ding NBA Cup at bawat manlalaro ng nanalong koponan ay makakakuha ng cash prize na $500,000 para sa 2023 edition. Ang unang nanalo ng NBA Cup ay ang Los Angeles Lakers at ang MVP ng torneo ay si LeBron James. Ang West group A ay binubuo ng Timberwolves, Clippers, Kings, Rockets at Blazers. Sa West group B naman ay ang Thunder, Suns, Lakers, Jazz at Spurs. Sa West group C ay ang Nuggets, Mavericks, Pelicans, Warriors at Grizzlies. Ang East group A ay binubuo ng Knicks, Magic, 76ers, Nets at Hornets. Sa East group B naman ay ang Bucks, Pacers, Heat, Raptors at Pistons. Celtics, Cavaliers, Hawks, Bulls at Wizards naman ang kukumpleto ng East group C.
NBA Predictions
Para sa Celtics ay hindi magiging kasing-dali gaya ng nakaraang taon kung saan tila inilatag ng maayos ang landas para sa Celtics na halos hindi nahirapan. Pero ang pagkakaroon ng tiwala sa Knicks o 76ers ay tila napakahirap sa ngayon at sino ang nakakaalam kung magpapakita ng tunay na consistency ang Bucks. Sapat na ang motivation Celtics para malampasan ang mga pagsubok at maging handa sa Hunyo. Nabalik nila ang lahat ng kanilang mga manlalaro at pwedeng mas maging magaling pa sila sa paparating na season. Inaasahang mananalo sila ng higit sa 60 laro bilang pinakamalalim at pinakamahusay na koponan sa East. Nagdagdag ang 76ers ng Paul George na agad namang na-injured at nakuha ng Knicks si Karl-Anthony Towns. Siguro ang isa sa kanila ay magbibigay ng magandang serye laban sa Celtics sa pagkakataong ito.
Ang Thunder naman ang pinaka-kumpletong team sa West. Matatagalan pa bago makasanayan ng Timberwolves ang trade para kay Towns. Nawalan ang Nuggets ng Kentavious Caldwell-Pope. Marami namang issue sa depensa ang Mavericks. Nagdagdag ang OKC ng dalawa sa pinakamagagaling na role players sa NBA para punan ang ilang kakulangan ng 57-win team noong nakaraang season. Hindi aksidente ang panalo ng Mavericks last season at ang pagkakaroon ng dynamic duo na sina Luka Dončić at Kyrie Irving na pinamumunuan ang mas pinahusay na supporting cast ng mga floor spacers at defenders ay makakatulong sa Mavs na makabalik sa Finals. Walang sapat na karanasan ang OKC, hindi mapagkakatiwalaan ang Suns at hindi pa handa ang Memphis at Minnesota.
Players To Watch
Ang una sa listahan ay si Giannis Antetokounmpo. Dalawang sunod na postseason na punong-puno ng injury ang nagdulot para makalimutan ng ilan ang “Greek Freak” bilang superstar ng liga. Ngayon na 100 porsyentong malusog sa pagpasok ng bagong season, ang dalawang beses na most valuable player at kampeon ng 2021 NBA ay may misyon, ang dalhin ang Milwaukee Bucks sa isa pang kampeonato sa 2024-25 season. Si Antetokounmpo na magdiriwang ng kanyang ika-30 kaarawan ngayong season ay alam na hindi na magtatagal ang kanilang championship window sa Milwaukee, isa sa mga pinakamatandang koponan sa NBA pero malaki ang tiwala niya sa kanyang mga kakampi na subok na sa laban para sa 2024-25 NBA season.
Dalawang taon na ang nakalilipas, si Ja Morant ang umaangat na Amerikanong superstar ng NBA at ang napakatalentadong Grizzly ang kinabukasan ng liga pero dumating ang dalawang insidente ng baril na kinasangkutan ni Morant na nauwi sa suspensyon mula sa liga at nung siya ay bumalik, na-injured siya at nakapaglaro lang ng siyam sa 82 laro noong nakaraang season. Ang Grizzlies ay nagtapos ng isang nasayang na 27-55 season. Si Victor Wembanyama naman ay tinuturing na pinakamalaking basketball prospect ng kanyang henerasyon, si Wembanyama ay papasok sa kanyang ikalawang NBA season bilang isang mas pinahusay na manlalaro mula sa rookie na nagpayanig sa liga sa maraming paraan noong nakaraang season.
Si Anthony Edwards ng Minnesota ay naging isang ganap na superstar nitong mga nakaraang buwan na hinihila ang kanyang Minnesota Timberwolves team sa NBA Western Conference finals na may malaking papel sa pagkapanalo ng Team USA ng gold medal sa Paris Summer Olympics at ikinumpara kay Michael Jordan sa kanyang pag-usbong. Si Edwards, 23, ay nagtala ng 25.9 puntos, 5.4 rebounds, at 5.1 assists sa 79 laro sa 2023-24 NBA season at napili upang maglaro sa kanyang pangalawang All-Star game at huwag din natin kalimutan si Zion Williamson. Si Zion Williamson ay inaasahan sanang maging susunod na dakilang manlalaro ng NBA nang siya ay napili ng New Orleans Pelicans bilang unang overall pick sa 2019 NBA draft pero ang patuloy na mga injury at mga isyu sa timbang ay pumigil sa potensyal ng isa sa pinaka-atletiko at mahuhusay na power forwards na naglaro sa laro. Sa offseason ng NBA ay binansagan si Williamson na “Skinny Zion” ng media matapos lumabas ang mga larawan na nagpapakita na siya ay nabawasan ng malaking timbang na nagdulot ng karagdagang optimismo na ang 2024-25 season ay maaaring maging breakout year para sa 24-taong-gulang.
Malugod naman naming inirerekomenda ang iba pang online casino kung naghahanap ka ng iba pang mapaglalaruan katulad ng LuckyHorse, 7BET, Winfordbet at 747LIVE. Sila ay legit at lubos na mapagkakatiwalaan. Nag-aalok din sila ng iba’t-ibang laro sa casino na siguradong magugustuhan mo. Pumunta lamang sa kanilang website para makapagsign-up at magsimulang maglaro.
Mga Madalas Itanong
Ang may pinakamaraming kampeonato sa kasaysayan ng NBA ay si Bill Russell na nanalo ng 11 NBA Championships kasama ang Boston Celtics. Nakuha niya ito mula 1957 hanggang 1969.
Ang unang NBA game ay naganap noong Nobyembre 1, 1946 at naglaban ang mga koponang New York Knicks at Toronto Huskies. Ang laban ay ginanap sa Maple Leaf Gardens sa Toronto, Canada.